Matapang na sinagot ni Alden Richards ang mga questions ni Toni Gonzaga sa kanyang guesting sa online show ng huli.
Isa na rito ang isyung bading siya. Just because wala siyang girlfriend for about 15 years na yata ay isa si Alden sa pinagsususpetsahang bading sa showbiz.
“‘Yung gender issue, kung tingin niyong bading ako, then fine. Ang iniisip ko sa mga rumors na ‘yun, wala na bang iba? ‘Yung judgment sa mga lalaki sa industriya ay (mabilis) just because of that,” say ni Alden na ang MMFF movie with Sharon Cuneta ay hindi masyadong tinangkilik kahit na pumasok pa ito sa Top 5 ng top-grossing films among the official entries.
Sinagot din niya ang tila never-ending story na may anak sila ni Maine Mendoza.
“Wala kaming anak. We never got married. We don’t have a love child. But I’m at that point na masaya po sila doon eh. Tatanggalin ko pa ba? Ira-rub ko pa ba sa mga buhay na wala na,” say ng binata.
Ini-reveal ng actor na nagkausap sila ni Maine bago ito magpakasal.
“Quite honestly, Maine and I had a heart-to-heart conversation recently, before she got married. Then I told her everything. That at the end of the day, it’s your differences whether you’ll make it or not, and your priorities in life,” say niya.
***
Inokray ang magdyowang basketball player Ricci Rivero and Laguna councilor Leren Mae Bautista sa isang Facebook page nang lumabas ang isang article kung saan it said na sa Baguio nag-spend ng holidays ang magdyowa.
Sa comment section, inasar ng netizens ang magdyowa, lalo na si Leren.
“Ay lumitaw nanaman ang mag chahin oh.”
“Happy new sa magtita.”
“Matrona 2024.”
“Sa Baguio lang kinaya ng budget.”
“nag baguio kasi walang labang damit dyan na lang daw mamimili ng ukay.”
May isang basher ang nagtanong, “Hanggang kailan kaya itatagal ng relasyon nito?”
Sinagot naman ito ng isa pang basher who said, “pag sawa na maglaba.”
“Malapit na sila mag hiwalay nag baguio na sila eh..my sumpa pa naman na pag nagpunta ng baguio ang mag couple naghihiwalay,” say naman ng isa pang basher.
“Mukha nman naligo at naglaba na sya,” comment ng isa pang guy.
May mga nagtanggol naman kay Leren.
“Happy New Year to both of you.”
“Stay strong and be happy always.”
“Stay strong both of you.”
“She’s so pretty and very decent lady.”
“Kaya siguro nagustuhan no ricci to kasi mukhang desente.”
***
Nasa Australia ngayon ang It’s Showtime host na si Anne Curtis at ang daming na-surprise na naroroon siya kasama ang dyowang si Erwan at ang kanilang only daughter na si Dahlia.
Nag-post si Anne ng mga kuha nila habang nasa Australia at talagang kinilig ang mga fans. Sa ilang videos na aming nakita, ipinakita ni Anne na talagang nag-enjoy sila sa iba’t ibang lugar sa Australia. Ang daming food, flowers, pasalubong, beaches, at magagandang lugar ang ipinakita niya sa videos. May mga nag-suggest pa nga ng mga dapat nilang puntahan habang naroroon.
May mga fans naman na inaabangan ang pagpunta nila sa ilang lugar sa Australia para personal silang makita.
“Welcome to Western Australia! There’s so much to go on a road trip! Go to Pink Lake, Coral Reef, Exmouth, Shark Bay, Monkey Mia & Kalbarri National Park if you want to North. Or Busselton, Albany, Denmark and Margaret River if you’re going south! There’s lots to do in our state!” say ng isang fan.
“Come to goldcoast, you guya will enjoy the movieworld and the beaches here,” say ng isa pang faney ng It’s Showtime host.
“Wow I’m so happy to see how happy you are Anne Erwan & Dahlia @annecurtissmith,” say naman ng faney ni Anne.