Ibinuking ni Sharon Cuneta na pansamantala silang naghiwalay ng mister na si Kiko Pangilinan sa kanyang IG live noong Bagong Taon kasama si Kiko at kanilang mga anak na sina Frankie, Miguel, at Miel.
“Happy New Year everyone. I’m with my family. We’re fine and we love you,” pagbati ni Sharon.
“Every post I made was just to show you when I was sad. And then, of course, like everyone else, that’s normal,” dugtong niya.
Dagdag pa niya pagkatapos ng kalungkutan ay inayos nila ang mga bagay at naging masaya na sila.
Hindi naman niya tinukoy kung anong bagay ang mga ito.
“I don’t know why so many people are so mean. For the record, ain’t nothing wrong with any of our brains,” hirit niya.
“We’re good. We’re normal. We just got some emotions because we’re real people,” dagdag ni Sharon.
Sumingit naman si Kiko at sinabing: “Sabi ko nga, lahat ng pamilya, lahat ng mag-asawa, nangyayari ang tampuhan.”
“Nag-away kami, naghiwalay kami, tapos nagbati na kami. So, okay na kami, okay?” mabilis na dugtong ni Sharon. “That’s the meaning of all the messages I posted,” aniya.
Gayunpaman, nilinaw niya na ang iba niyang mga post ay para sa mga taong malapit sa kanya na sa tingin niya ay nangangailangan umano ng mga ito.
Nito lamang Disyembre nang maging usap-usapan ang estado ng relasyon ng dalawa dahil sa sunod-sunod na cryptic post umano ni Sharon.
Noong bisperas ng Pasko ay nag-post din siya ng litrato kasama ang mga anak niya, ngunit kapansin-pansin na hindi niya sinama ang ulo ni Kiko.
“ETO na po – It’s a tie!” hirit naman ni Sharon na nag-post uli ng litrato kasama ang kanyang buong pamilya kung saan, ulo naman niya ang na-crop sa larawan.