Inalmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsuspinde ng Movie and Television Review and Classification Board sa dalawang programa ng Sonshine Media Network International at ayon sa dating Pangulo, paglabag umano ito sa kaniyang karapatan para sa malayang pamamahayag.
Sinabi ni Duterte na isang paglabag sa press freedom ng outfit na kaniyang ginagamit bilang platform ang naging aksiyon ng naturang ahensiya.
Dagdag pa niya, ang pagsupil sa karapatan para i-exercise ang malayang pamamahayag ay hindi apat na subject sa preliminary o permanent status at ang right to free expression ay isang absolute para sa dating Pangulo.
Pero ayon naman sa MTRCB, inisyu nito ang suspensiyon sa naturang mga program matapos ang malalimang pag-aral at imbestigasyon ng mga paglabag sa mga inereng content sa dalawang programa base sa mga reklamong natanggp ng bord.
Kabilang dito ang death threat na inihayag sa programang “Gikan sa Masa Para sa Masa” at unverified report na iniulat naman sa “Laban Kasama ang Bayan.”
Matatandaan na una ng pinatawan ng board ng 14-day suspension noong December 18 2023 ang “Gikan sa Masa Para sa Masa” talk show ni Duterte habang 2 week suspension naman ang ipinataw sa network talk show na “Laban Kasama ang Bayan”.