Unti-unting tumataas ang pressure sa Rain or Shine habang hinahangad nitong mapanatili ang kahanga-hangang sunod-sunod na panalo sa pakikipaglaban nito sa TNT Tropang Giga sa pagpapatuloy ng Philippine Basketball Association Commissioner’s Cup sa Biyernes.
Inamin ni Elasto Painters coach Yeng Guiao na hindi madali ang pagsustento sa kanilang four-game winning run, lalo na kung ang pressure ay nagsisimulang gumapang sa kanilang mga manlalaro.
“That’s one of the most difficult things to handle when you’re building a winning streak. On top of that, it is the pressure that is developing,” saad ni Guiao sa isang panayam.
“But we’re okay with it. We had our share of streaks on the losing end and now, we’re building a winning run. The most important thing is what’s at stake in the game and that’s an automatic quarterfinal berth,” dagdag niya.
Magkatabla ang Rain or Shine at TNT sa ikapito hanggang ikawalong puwesto na may 4-5 win-loss slate. Ang tagumpay ng Elasto Painters ay maggagarantiya sa kanila ng isang upuan sa susunod na round anuman ang resulta ng kanilang huling elimination round laban sa Converge noong Enero 14.
Ang panalo ng Elasto Painters na kasabay ng tagumpay ng NLEX laban sa Converge ay magpapababa sa Road Warriors at sa Tropang Giga sa ikawalo hanggang siyam na puwesto. Kung sakaling magkatabla ang TNT at NLEX sa pagtatapos ng elimination round, magsasalpukan sila sa sudden-death duel.
Para kay Guiao, ang pagkapanalo sa TNT ay makakatulong sa kanila na maiwasan ang anumang komplikasyon.
“That’s the path we want to go through. So, this is more like a must-win situation for us against TNT,” sabi ni Guiao.
“Everybody needs it. We last played on the 23rd, then took a break and we resumed practice on the 27th until the 30th then took another break before resuming practice on 2 January,” dagdag niya.