May ilang mga negazens ang bumabash ngayon sa aktres na si Diana Zubiri matapos niyang ibahago ang naranasan niyang pang-iisnab mula sa isang luxury brand shop.
Ayon sa ilang bashers, “feeling entitled” at “feeling artista” umano si Diana matapos ikuwento ng aktres sa kanyang vlog ang hindi kagandahang experience sa branch ng Louis Vuitton sa Adelaide, Australia.
Sa Adelaide na ngayon naninirahan si Diana kasama ang kanyang pamilya at kamakailan lamang ay nagtungo nga sila ng kanyang biyenan sa naturang luxury store. Hindi raw maganda ang naging trato sa kanila roon.
Wala namang sinabi ang original Sang’gre ng “Encantadia” na feeling na-discriminate sila pero mukhang ganu’n na nga ang ipinaramdam sa kanila ng staff members ng high-end shop.
Ayon pa sa aktres, baka raw kasi hindi sila nakaayos ng kanyang biyenan kaya ganu’n ang naging pagtrato sa kanila kaya umalis na lamang daw sila sa store.
Napanood din sa vlog ng aktres ang pagbalik nila sa nasabing Louis Vuitton branch kasama pa rin ang kanyang biyenan and this time talaga raw nag-ayos na sila nang bonggang-bongga.
In fairness, mas naging maganda na raw ang pag-estima sa kanila ng mga staff sa store.