Iniulat ng mg otoridad na kuwitis umano ang naging dahilan nang pagsiklab ng sunog sa isang bahay sa Valenzuela City habang nagdiriwang para sa Bagong Taon.
Batay sa ulat, nangyari ang sunog sa Barangay Arkong Bato, Valenzuela City pasado alas-diyes nitong Lunes, January 1 at tumagal ang sunog ng 20 minuto bago naapula.
Ayon sa residente ng natupok na bahay, kalalabas lamang niya at napatakbo pabalik ng sumiklab ang sunog. Nagtamo siya ng sugat sa kamay.
Kuwento ng barangay captain, may bumagsak na kwitis sa bubong ng nasabing bahay.
“Sabi ho ng mga residente dito, bago kami makapunta ay ang nangyari ho ay may nagsindi daw ho ng kwitis. Eh ang binagsakan ‘yung bubong na gawa ho sa tarpaulin kasi kaya doon nagmula ang sunog,” ayon kay AJ Feliciano, chairman ng Barangay Arkong Bato.
Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang insidente.