Pauwi na sana ang isang lalaki sa Tayabas City, Quezon nang bigla siyang hagisan ng paputok ng isang grupo ng kabataan, dahilan para malapnos ang halos buong katawan niya.
Kinilala ang biktima na si Ian Angelo na nagmamaneho ng kanyang motorsiklo pauwi sa bahay nila nang makasalubong niya ang mga kabataan sa Leveriza, Tayabas at ayon sa mga ulat, may hawak daw na boga ang grupo ng mga kabataan at bigla itong hinagis sa biktima, dahilan para magkaroon ng malakas na pagsabog.
Bahagya raw nawalan ng malay ang biktima at naramdaman niyang sobrang init ng katawan niya.
Dahil sa insidente, halos buong katawan ni Ian Angelo ang napinsala at nahihirapan na rin daw siya maglakad at hindi na rin makapasok sa trabaho.
Ayon sa ulat, nagtungo si Ian Angelo sa tanggapan ng pulis nitong Lunes kaugnay ng nangyaring insidente.