May isiniwalat ang dating aktres na si Michelle Madrigal ininda umano niya nang matagal na panahon at malubhang nakaapekto sa kanyang paglaki.
Pagbubunyag ng aktres na kasalukuyang naninirahan sa Amerika, isa siyang survivor ng sekswal na pang-aabuso sa murang edad.
“To be completely transparent, I endured sexual abuse at a tender age for a number of years, a time when my innocence was cruelly taken, leading to a tumultuous adolescence,” saad niya sa kanyang Instagram post.
Dagdag niya, dahil sa pinagdaanan niya ay hindi niya namalayang nakararanas na siya ng post-traumatic stress disorder at kanya itong ininda nang mag-isa hanggang sa humingi siya ng tulong sa isang therapist noong 20 anyos na siya. Dahil dito, naintindihan na rin daw niya ang mga panahong nagrerebelde pa siya.
“For nearly a decade, I held onto something that was finally released when I opened up. Understanding my rebellious phase suddenly made sense,” sabi ni Michelle.
“Shame and self-blame consumed me for years. I was angry, and indifferent, seeking solace in drugs and alcohol to escape the overwhelming emotions, unworthiness, and fear. I often questioned why it happened to me,” dagdag niya.
Sa ngayon, nais umano niyang gamitin ang kanyang boses at sarili niyang mga karanasan upang bigyan ng kapangyarihan ang iba pang katulad niya na humakbang pasulong at simulan ang kanilang “healing journey.”
“This year, in conversations with women, I was astonished to find that 3 out of 5 had encountered some form of sexual abuse. My purpose in life is clear: to support survivors. I’ve always yearned to use my voice for a greater cause, and my mission is to help one survivor at a time feel acknowledged and secure, reassuring them that their story is significant,” sabi niya.
Responsibilidad din daw niya bilang ina ang ipaalam sa kanyang anak na babae ang ganitong reyalidad. Marami rin daw kasing mga bata ang nakakaramdam na hindi sila ligtas na makapagtitiwala sa ibang tao tungkol sa kanilang mga karanasan kaya nais niyang magsilbing tulong at tagasuporta sa kanila.
“I’m determined to change that narrative, to extend a helping hand, and foster an environment where openness and support prevail,” sabi niya.
Sa dulo na kanyang post ay naglagay si Michelle ng mga detalye ng isang US-based na organisasyon na Rape, Abuse, & Incest National Network kung saan tumatanggap sila ng mga donasyon para sa kanilang mga programang pang-edukasyon at iba pang mga proyekto.
Taong 2021 nang ibunyag ng aktres na hiwalay na sila ng kanyang partner na si Troy Woolfolk na nakilala niya sa Texas noong 2016.
Isinilang ang anak nilang si Anika Austin noong 2017, at ikinasal noong 2019.
Kasalukuyang nasa Texas pa rin ngayon si Michelle na nagtatrabaho bilang ahente ng real estate.