Inihayag ng Department of Energy nitong Biyernes na posible umanong magkaroon ng bawas-presyo sa diesel at kerosene sa unang linggo ng Enero 2024.
Sa pagtaya sa galaw ng merkado sa nakalipas na apat na araw, sinabi ni DoE-Oil Industry Management Bureau assistant director Rodela Romero, na maaaring P0.10 hanggang P0.35 bawat litro ang mabawas sa presyo ng diesel.
Dagdag niya, malaki naman ang posibleng rollback sa kerosene na aabot sa P1.00 hanggang P1.10 per liter.
Para naman sa gasolina, maaaring walang maging paggalaw o bahagyang P0.10 per liter na dagdag sa presyo ang mangyari.
“These are attributed to the ease of concerns about shipping disruptions along the Red Sea and the Russian oil output expected to hold steady in 2024. Russia diverted its oil exports from Europe to India and China,” sabi ni Romero.
“Final adjustments will be realized at the end of the Friday trading,” dagdag niya.
Nitong nakaraang Martes, nagkaroon ng malakihang price hike sa mga produktong presyo. Umabot sa P1.60 per liter sa gasolina, P1.70/L sa diesel, at P1.54/L sa kerosene.