Inihayag ng Department of Health na pumalo na sa 52 ang bilang ng kaso ng mga aksidente dulot ng paputok nitong Martes.
Base sa huling tala ng DoH, 24 sa naturang bilang ng kaso ang naidagdag mula 6 a.m. ng December 25 hanggang 6a .m. ng December 26 at karamihan sa mga biktima ay nasa edad lima hanggang 52.
Nananatili pa rin na may pinaka-mataas na bilang ng aksidente dulot ng pagpapaputok ang National Capital Region na nagtala ng 20, habang anim naman sa mga kaso ay mula sa Region 3, at lima mula sa Region 12.
Lima sa 16 na sugatan ang naputulan ng daliri at kamay matapos gumamit ng mga ilegal na paputok na fireworks boga, plapla, five-star, at goodbye Philippines, at ang legal whistle bomb; habang tatlo dito ay mga menorde edad.
Samantala, pinapayuhan naman ng Department of the Interior and Local Government ang mga lokal na pamahalaan na magsagawa na lang ng community fireworks displays, at iwasan nang magsindi ng paputok sa bahay at sa kalapit na kalsada nito.
“Say goodbye to fireworks use at home instead of saying goodbye to your fingers,” ayon sa DoH.