Isang lalaki na anak umano ng isang overseas Filipino worker na kauuwi lamang sa bansa ang nasawi matapos bumangga sa concrete barrier ang minamanehong motorsiklo sa Mangaldan, Pangasinan.
Base sa ulat, sinabi ng OFW na kinilalang si Rachel Carbonnel na umuwi siya upang sorpresahin ang anak ngayong Pasko.
“Ang hirap… ang sakit kasi magpapasko kaming wala siya. Akala ko ako ang mag-surprise sa kaniya, ngayon ako pala ang sorpresahin niya,” saad ng ginang.
Nasawi ang anak ni Rachel na si Charles nang malaman ito ng kontrol sa minamanehong motorsiklo sa Angalacan Road sa Barangay Pogo sa Mangaldan.
“Kasalukuyan silang nagpapatakbo ng motor papuntang San Fabian, ngayon, na-lose balance [sila] kaya nabangga ang concrete barrier,” ayon kay Police Captain Vicente Abrazaldo, Jr., deputy chief ng Mangaldan Police Station.
Samantala, isang motorsiklo naman sa Ilagan City, Isabela ang sumalpok sa papalikong tricycle sa Barangay Baligatan. Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente na ikinasawi rin ng rider.
Nasawi naman ang isang 63-anyos na lalaki na nagbibisikleta matapos na ma-hit and run siya ng isang tricycle sa Dagupan city, Pangasinan.