Aminado ang aktres na si Kylie Verzosa na talagang dream come true para sa kanya ang pagkakasali niya sa action-fantasy movie na Penduko na kasama sa Metro Manila Film Festival dahil pangarap niya talagang sumabak sa mga action scenes.
Ayon sa dalaga, hindi lang siya nabibigyan ng chance dahil nga palaging drama o kaya naman ay romcom ang offers na natatanggap niya kaya kahit hectic na ang schedule niya ay hindi na umano siya nagdalawang-isip pa nang ialok sa kanya ang role na Liway sa Penduko.
“Actually, medyo last minute na ito binigay sa akin ng Viva. And even though my schedule was a bit packed, sobrang ginawan ko po ng paraan,” sabi ni Kylie at dagdag niya, ito na umano ang pagkakataon niya para matupad ang matagal na niyang pangarap.
“I always wanted to do action [films]. I’m a very active person,” sabi ni Kylie.
Dahil challenging ang role niya, na malayo sa mga ginampanan niya sa kanyang mga naging projects in the past, siya na daw ang nag-request na magkaroon sila ng puspusang training.
“I didn’t want to go to this movie unprepared. Alam ko medyo mabigat po ’yong training. The script, malalim ’yong Tagalog. So, ang hiningi ko po agad is I want to train more for action,” sabi ng dalaga
“Siguro nag-train kami ng more than a month or two for just a few fight scenes,” dagdag pa niya.
Ayaw naman daw kasi niyang magmukhang malamya sa mga maaksyong eksena nila sa pelikula.
“I didn’t want na pilit. Ayoko ng soft or girly girl pa rin. So I really wanted at hiningi ko po na mas mag-train pa kami more for the action scenes,” saad niya.
Worth it naman daw ang naging pagod nila dahil masaya siya sa kinalabasan ng collaboration nila nina Direk Jason Paul Laxamana at co-stars sa pangunguna ni Matteo Guidicelli.