Itinanggi ni Bianca Manalo na mayroon silang romantic something ni Rob Gomez, co-star niya sa Magandang Dilag.
Kumalat sa social media ang convo ng dalawa at marami ang na-shock dahil alam naman ng marami na may dyowang beauty queen si Rob at may anak na sila. Alam din na marami na may karelasyong politico si Bianca.
Aware si Bianca sa kumalat na screenshot ng kanilang convo. Kahit nasa Japan ngayon, hindi nakalagpas sa kanya ang pinagpipiyestahang convo nila ni Rob.
Mariin ang pagtanggi ni Bianca na may romantic something sa kanila ni Rob.
“Let me clear all the false rumors circulating on the internet,” bungad ng aktres.
“Rob Gomez and I are friends and co-workers. He was going to bring the Christmas gifts and I wanted to receive them early before I leave for the airport. It is upsetting that our conversation were exposed without my consent, which is a breach of privacy and the cause of so much online bashing.”
‘Yan ang post ni Bianca sa social media bilang pagtatanggol sa kanyang sarili.
So, ano ang reaction ng netizens? May mga naniwala at may nagpayo na i-post ni Bianca ang buong convo para magkaalaman na.
“Wag kameee Bianca haha Very elementary excuse and anlakas mka gaslight ah.”
“Ayun! So totoo talaga yung screenshots! Hndi dineny, kinompirm pa na kulang yung screenshots.”
“Bianca kung di totoo ang post e di screen shot mo ang totoong convo niyo ni Rob. Tapos kasuhan mo ang nag post na as you said malisyoso. Malakas naman ang senator mong boyfriend kayang kaya ka niyang ipag tanggol kung may paninira talagang nangyari. Sa super lakas nga ni bf mo nakapag birthday party ka pa nga sa Malacanang eh! Go girl!”
“Mukha ngang ni-delete ung ibang messages para magmukhang malicious ang kalalabasan. On telegram, you have options to delete a message for yourself only or delete for yourself and for the person na ka-chat mo. Either way, if Bianca really wants the public to believe na walang something sa kanila ni Rob, then maybe she can provide her own screenshot of their full conversation.”
***
Maagang pamasko ang naging pagbisita ng lead actor ng Can’t Buy Me Love lead actor na si Donny Pangilinan sa Sicogon Island recently.
“It’s 9 p.m. right now. We’re here in Socogon Island and I think most TVs are on right now. I will go to random houses and surprise surprise them if they’re watching,” say ni Donny sa video.
“Ito, ha. Nanonood sila ng Can’t Buy Me Love,” say ni Bingo, este Donny sa isang portion ng video.
Naki-picture siyempre ang mga fans, mostly female, kay Donny. Maryoon ding kumuha ng video sa kanyang pagbisita. Kilig na kilig ang dans. Hindi sila makapaniwala ang dating pinapanood lang nila sa TV ay kasama na nila.
Puring-puri si Donny dahil sa kanyang pagbisita sa Sicogon Island.
“Donny is very warm, I believe in his goodness of heart! Keep it up and God bless.”
“Iba talaga kapag laki kang alam ang Diyos! walang yabang at maruno makipag kapwa tao.”
“Sorsogon please. Pero nasa Manila ako now. Ang Netflix ko’y dahil sa Can’t Buy Me Love.”
Samantala, excited na sina Donny at Belle Mariano sa mga dapat abangan ng manonood sa Can’t Buy Me Love lalo pa at mas makikilala na ng kanilang karakter ang isa’t isa.
“It’s been a whirlwind of emotions. Ang dami na ng nangyari. I’m still adjusting sa teleserye life but kahit papaano worth it ang pagod since nakikita namin na natutuwa ang viewers sa story. It’s really exciting na our characters CarGo and the love story is about to unfold more,” saad ni Donny.
Bukod din sa kilig, isa pa raw dapat abangan ang pagkikita ng pamilya Tiu at ng kanyang community sa Tenament.
“It’s nice to see the Tiu family and the Team Binondo here in one set since our worlds are colliding na. Nung unang episodes kasi magkalayo pa so exciting yung mga darating na eksena kasi mas nagiging intense na,” say ng actor.