Sinimulan na ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee ang taping niya para sa GMA action-packed teleserye na Black Rider at sa kanyang IG, ibinahagi ng dalaga ang mga behind the scenes nito.
Binalita ni Michelle ang kanyang pagpasok sa Black Rider sa naging Homecoming Media Conference niya noong nakaraang buwan pagkauwi niya galing sa pag-compete sa Miss Universe pageant sa El Salvador.
“It’s so exciting kasi makakasakay ulit ako ng motor. I think with that role I can ride motorcycles more,” sey ni Michelle na handa nang makipagkarerahan sa bida ng Black Rider na si Ruru Madrid.
Huling napanood si Michelle bilang si Freya sa GMA mega-serye na Mga Lihim ni Urduja.
Nag-share si Michelle via Instagram broadcast channel ng ilang fierce looks niya sa bago niyang teleserye.
“A new assassin is about to emerge. Abangan on #BlackRider,” caption ni Michelle.