Marami ang excited na ngayon para sa bigating seryeng “Encantadia Chronicles: Sang’gre” kung saan nagsimula na ang taping nito.
Kasama si Bianca Umali sa nasabing serye at gagampanan niya ang role ni Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa at anak ni Sang’gre Danaya na karakter naman ng aktres na si Sanya Lopez.
Makikita sa official Facebook page ng programa ang masasayang ngiti ng dalawang aktres kasama rin si Direk Mark Reyes.
Tuwang-tuwa naman ang netizens sa pasilip na yun.
Komento ng isang fan, “Mommy and daughter! Bagay sila na mag-ina. I’m very excited! Ang cute nilang tingnan. Gandang ‘di nakakasawa!”
Maliban kay Sanya, kabilang din sa mga magbabalik sa “Encantadia Chronicles: Sang’gre” ang mga karakter nina Rocco Nacino bilang Aquil at Glaiza de Castro bilang Pirena.