Iniulat ng Philippine Coast Guard na patuloy pa umanong nadadagdagan ang bilang bilang ng mga pasaherong naitatala na dumadagsa sa mga pantalan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng PCG, umabot na sa kabuuang 77,112 ang bilang ng mga biyaherong nagtutungo sa mga pantalan nitong Martes pa lamang.
Mula sa naturang bilang, 44,021 dito ang pawang mga outbound passengers, habang aabot naman sa 33,091 ang bilang ng mga inbound passengers na namonitor nito ngayong araw sa lahat ng mga pantalan sa buong Pilipinas.
Kaugnay nito ay nagpakalat din ng kabuuang 2,704 na mga frontline personnel ang PCG sa 15 Districts nito na nag-inspeksyon aman sa nasa 599 na mga barko, at 748 motorbancas.
Matatandaan na mula pa noong Disyembre 15, 2023 ay itinaas na sa heightened alert status ang buong hanay ng PCG kabilang na ang mga districts, stations, at sub0-stations nito na magtatagal naman hanggang sa Enero 3, 2023.
Layunin nito na matiyak ang seguridad at kaligtasan ng lahat ng mga pasaherong inaasahang dadagsa sa mga port passenger terminal sa bansa.