Mabini, malumanay magsalita, maaliwalas ang awra, t dama mo ang sinseridad ni Princess Revilla, na siyang namumuno sa Azucena Mortel Bautista Foundation na itinatag noong 1998, na opinagalan sa kanyang ina at bago ang pandemya, sinumulan at at binuksan naman niya ang Princess Revilla Foundation.
Pasimula ni Princess: “Ang pinaka-magandang iniwang agimat ng mga magulang ko sa akin, ang tatay kong si Ramon Revilla at nanay Azucena, eh yung sa murang idad ko pa lang, nakita ko ang tunay nilang malasakitm kalinga at pagtulong sa mga mas nangangailangan. That kindness and generosity, na walang hinihinging kapalit, it stayed with me. Hindi kasi ako talaga pang-showbiz eh. Mahiyain ako talaga. Kaya yung dalawang pelikula ko dati, sapat na yun. Mas fulfilling for me na wala sa harap ng camera at sundan ang yapak ng parents ko.”
Aniya pa: “Mas sa kababaihan ang tutok ng foundations kasi nga sila ang most vulnerable sector sa lipunan natin sa kasalukuyan. Yung mga babaing inaaruga, kinakalinga at tinutulungan namin, kailangan talaga nila ang special attention.”
Parang Pasko araw-araw ang ibinibigay ng foundation ni Princess sa mga kababaihang kanyang kinakalinga dahil nga holistic ito, may counselling, health care, livelihood assistance at iba’t-ibang mga proyektong kapaki-pakanibang para sa mga kababaihan at marami pang iba.
Ang tinuturing ni Princess na pinaka-mahahalahang sektor na dapat arugain at pagmalasakitan ay ang mga nanay, seniors, mga paslit at kabataan, at ang mga salat talaga sa kabuhayan. Ilan sa kanilang pangmalakasang handog sa lahat ay misyong medikal, pagpapakain, tulong para sa mga kababaihan at matatanda at scholarship packages para sa mga mag-aaral.
Kaya tutok na tutok si Princess at bukal sa kanyang puso ang ginagawa niya sa foundations ay dahil sa ipinangako niya ito sa kanyang mga magulang. Isa pa, priceless para sa kanyang pakiramdam na makita ang ngiti sa labi at pagababago sa mga buhay ng kanyang mga kinakalinga at sinusuportahan.
Palakpakan na may kasamang sigawan para kay Princess Revilla, na isang huwaran at buhay na patotoo na may mga tao talagang likas ang pagmamalasakit at kabutihang galing sa kaibuturan at puso.
***
Walang balikang mangyayari! Iyan ang gustong tumbukin ng posts ni Kathryn Bernardo.
Ang mga ayaw magpalupig ang pag-asang KathNiel fan, dahil nga binura ni Daniel Padilla ang break up pahayag nito sa kanyang social media account, tinuring nila itong senyal na may pag-asa pang mabuo muki ang relasyong wasak na.
Kwentas claras ang pahayag ni Queen Kath na: “Appreciatioon post for the little things that have been making me smile the past few weeks. No looking back. Only moving forward.”
Kaya sa mga delulo diyan, tama na, sobra na, gumising na sa mga ilusyon! Tanggapin niyo na tapos na ang pagmamahalan. Tanggap na tanggap na ni Kathryn Bernardo. Ano ang dramarama niyo sa buhay at di niyo kayang tanggapin?
***
Tulungan natin ang Zig Dulay’s “Firefly” at Lem Lorca’s“Broken Hearts Trip”, dalawa sa pinaka-ispesyal at matinong pelikula sa paparating na Metro Manila Film Festival.
Kaunting sinehan lamang ang mga ibinigay sa dalawang pelikulang ito na kung hindi natin bibigyan ng karampatang pagmamahal at suporta, malamang ang kakarampot nilang mga sinehan, ay maibigay pa sa mga pelikulang ang turing ng mga cinema owener ay mas tatauhin at papanoorin.
Tungkol sa pagmamahal ang mga obra nina Dulay at Lorca. Ang “Firefly” umiikot ang kwento sa dakilang pagmamahal ng ina sa kanyang anak. Ang”Broken Hearts Trip” naman ay tungkol sa mga kakaibang klase ng mga pagmamahalan na ipapakita sa lahat na ang pag-ibig ay laging may hatid na sarap at sakit.
Kaya mga ka-Tirada na mahilig sa matitinong pelikula, give love on Christmas day sa “Firefly” at “Broken Heart’s Trip”.