Ito ay after lumabas ang isang photo kung saan magkasama sina Barbie at Gerald Anderson. Kuha ito sa Dubai dahil magkasamang nag-show ang dalawa at iba pang Star Magic talents para sa Shukran Festival 2023 event.
Nagsimula ang thread sa Instagram nang may magtanong, “Sino mas bata si Barbie or Julia? Kasi kung mas bata si Barbie, imposible pa na magustuhan siya ni Gerald. Sobra na ata kung ganun.”
Na sinagot naman ng isang fan na “1 year lang tanda ni Julia Kay barbie both are in their mid 20s, barbie is 25, Julia is 26.”
May sumabat na isang fan at sinabing, “kabahan ang mas matanda.”
“Naku po, maputi, madyoga naku Julia kabahan ka na,” say naman ng isang faney.
“Bakit naman kabahan si Julia? Siguro naman May respect/ love naman si Ge kay Julia,” pagtatanggol naman ng isang faney ni Julia.
“hahahaha hnd malabo mangyare ginawa sau gagawin din sa iba. nako baka barbie imperial yan madyogaaaa,” sagot naman ng isa pang fan.
“Mga comments d2 mga nkakatawa. tagal ng magkaibigan yang dalawa dahil laging nasa gym c barbie ni ge never nga n link yan p kaya n may show lng sila at kasama p ang mother ni gerald. Cge mag assume p kayo n maghihiwalay ang jurald hanggang magsawa kayo kakaantay n maging sila bwahahahaha,” say naman ng isang tila maka-Gerald.
Da hu kaya ang nagpakalat ng isang art card kung saan nagtaray si Sarah Lahbati sa kanyang biyenan na si Annabelle Rama?
Naloka kasi si Sarah nang mag-surface sa social media ang controversial na art card kung saan nagpatutsada siya kay Annabelle.
“I’m grateful that I married Richard because he’s truly husband material and a father figure.
“It seems he got brainwashed, that’s why he changed. I can’t stand the fact that my mother-in-law, you’d think, was not well taken care of by her husband before.
“My advice to those planning to get married, get to know your future in-laws so you won’t end up like me.”
‘Yan ang nakasaad sa art card na ikinaloka ni Sarah. Fake news ito dahil hindi sa kanya ito nanggaling.
With this, nag-deny si Sarah.
“Hey everyone! Just wanted to clear something and this is the last time (hopefully) that I’ll have to do this. “Please beware of fake news. I never said this. Hope everyone has a blessed week ahead.
“Sarah”
‘Yan ang kanyang denial sa social media.
Grabe ang fake news ngayon, ‘no? Lahat na lang ay pinaglalaruan especially ‘yung mga sikat na involved sa maiinit at kontrobersyal na issue.
Magbibida sa kanilang kauna-unahang international microfilm ang Kapamilya breakout loveteam na sina KD Estrada at Alexa Ilacad sa “Toss Coin,” na ipapalabas sa 20th Hong Kong Asian Film Festival.
Sa direkyon ng award-winning at highest-grossing film direktor na si Cathy Garcia-Sampana, ang “Toss Coin” ay isa sa tatlong pelikula na bahagi ng “Hong Kong In The Lens By Asian Directors” na may layuning ipakita ang ganda ng Hong Kong at pausbungin ang turismo ng bansa.
Iikot ang kuwento sa pagkikita nina Kiko (KD) at Pia (Alexa) sa Hong Kong kung saan mabubuo ang kanilang hindi inaasahang pag-iibigan at magagandang karanasan.
Masayang ikinwento nina KD at Alexa ang kanilang experience na makatarabaho sa unang pagkakataon si Direk Cathy, “Pinagyayabang ko siya, ang maka work si Direk Cathy. It’s an honor to be chosen to do this. Sabi ko nga, we have to impress them and be fun to work with,” sabi ni Alexa.
“Alam naman natin na si Direk Cathy is a master of RomCom, I was very shocked and nervous, but Alexa and I talked na we’re really going to bring our A game and we want to make the story shown to everyone,” dagdag ni KD.
Sa espesyal na screening na naganap noong Linggo, ibinahagi ni Direk Cathy na mas lumitaw ang emosyon at koneksyon ng Kdlex dahil sa ganda at kulay ng Hong Kong.
“While I personally like the city’s human touch and culture, this time, I had the opportunity to show the other side of Hong Kong, highlighting the beautiful architecture of the buildings and the intersection between artistic galleries and vibrant murals that blended perfectly with the story and Kdlex’s chemistry,” sabi niya.
Tatlong short films mula South Korea, Thailand at Pilipinas ang tampok sa proyektong ito na mapapanood din ngayon Disyembre sa tvN Asia at Viu sa December 11. Ipapalabas din ito sa A2z at Kapamilya Channel.