Iniulat ng mga otoridad na tadtad ng saksak at patay na nang matagpuan ang isang mag-ama sa loob ng kanilang bahay sa Toledo, Cebu.
Kinilala ang mga biktima na sina Zorovavel Edoloerio at anak niyang si Zyphaniah at isang kaibigan ni Zyphaniah na kinilalang si Girlie Navarro na nakitulog sa kanilang bahay ang nasaksak din at kritikal ang kondisyon.
Nahuli naman ng pulisya ang suspek na kinilalang si Kevin Avelis na kapitbahay umano ng mga biktima.
Ayon sa mga kaanak ng biktima, matagal nang may gusto si Avelis sa isa sa mga anak ni Zorovavel na si Sweetie at nagyaya raw na mag-live in na sila. Tutol daw dito si Zorovavel at ito ang tinitignang motibo ng pulisya sa pananaksak.
Inihahanda na ang mga kasong double murder at frustrated murder laban kay Avelis, na hindi nagbigay ng pahayag.