Aminado ang vlogger at ngayon ay artista nang si Zeinab Harake na talagang hindi siya makapaniwala sa love scene nila ni Derek Ramsay sa horror movie na “(K)ampon” na entry ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival 2023 at ito rin ang first movie ni Zeinab kung saan makakasama rin nila ni Derek si Beauty Gonzalez.
Ayon sa kanya, matinding nerbiyos ang naramdaman niya habang ginagawa ang pelikula lalo na noong kunan na ang maiinit at naglalagablab na love scenes nila ni Derek sa movie.
“’Yung scene po, medyo naloka ako! Kasi first time ko talagang…honest lang po, first time ko pong nakipag-kissing scene sa hindi ko po partner, first time po ‘yun,” saad ni Zeinab.
“But nun’g naka-work ko po si Sir Derek, wala po akong masabi. Sobrang respeto po talaga niya, gina-guide niya po ako. Hindi lang po si Sir Derek, pati si direk King (Palisoc), nandoon po talaga sila to guide me, kung paano ko gagawin (yung mga eksena), kung paano ko kakayanin. Sana po, maganda po ‘yung kinalabasan,” dagdag niya.
Pero bakit nga ba siya naloka sa pinaggagawa nila ni Derek sa “(K)ampon”?
“Kasi po, ‘yung karakter ni Loreta, ang layo po nu’n sa Zeinab, eh. So, kailangan pong makita ‘yung expression ni Loreta du’n habang ginagawa ‘yun. So, ‘yun po talaga ‘yung pinakaunang tinatak ko sa isip ko habang ginagawa ‘yung eksena na ‘yun kaya medyo naloka ‘ko. Tapos nu’ng nakita ko siya sa screen, nu’ng napanood ko na ng very slight, du’n ako naloka. ‘Shit, sabi ko, ‘ako to? Ako talaga ‘to?’” sabi ni Zeinab.
“Parang Anne Curtis, mga ganu’ng level ‘yung mga napapanood ko with Sir Derek Ramsay, tapos, isa ako sa mga nabigyan ng pagkakataong magawa ‘yung mga ganu’n. ’Di ko alam kung good ba ‘yun or bad or nakakatawa. Pero nailaban naman po. Kaya po abangan n’yo. Grabe ‘yung ginawa ko dito. Kaya sana, panoorin n’yo. Nilaban ko ‘to kaya ilaban n’yo ‘to,” dagdag niya.