Pinagtibay muli ng Pilipinas at ng Estados Unidos ang alyansa nito kasunod nang mga pinakahuling insidente ng panghaharass ng China sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon sa mga ulat, nagpulong sina AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. at United States Joint Chiefs of Staff General Charles Brown Jr. sa isang phone call kung saan tinalakay ng dalawa ang kasalukuyang security environment ngayon sa rehiyon.
Ayon kay AFP Pubic Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, sa naturang pagpupulong ay napagkasunduan ng dalawang opisyal ang pagpapanatili sa close coordination sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sa gitna ito ng mas lumalala pang mga ilegal na aktibidad ng China Coast Guard partikular na sa mga panggagambala nito sa mga rotation at reprovisioning mission at pagpapatrolya ng mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Bukod dito ay tinalakay din ng dalawa ang ilang usapin na may kaugnayan sa mutual strategic security interests at opportunities sa pagitan ng dalawang bansa para naman sa karagdagan pang military cooperations.
Samantala, sabi pa ni Trinidad na sa naging phonecall meeting na ito nina Brawner at Brown ay sumasalamin mulang pagpapatibay pa sa commitment ng dalawang bansa sa PHL-US alliance sa ilalim ng Mutual Defense Treat at gayundin sa pagtataguyod ng isang rules-based international order at shared vision ng isang malaya at bukas na Indo-Pacific Region.