Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority na nagkasa na ito ng mga clearing operations apat na araw bago ang inaabangang Metro Manila Film Festival parade sa ilang mga kalsada sa Caloocan at Malabon.
Ayon sa MMDA, unang beses na gagawin sa CAMANAVA area ang MMFF parade.
“Specifically, we will be clearing yung CAMANAVA area in preparation for the MMFF this coming weekend, so maraming road closures dyan sa CAMANAVA at marami rin tayong alternate routes na inihanda,” paliwanag ni Gabriel Go, officer-in-charge ng MMDA Special Operations Group Strike Force.
Unang nag-ikot ang mga tauhan ng MMDA sa Old Samson Road sa Caloocan bago umikot at C3 road at C4 road sa Malabon.
Tinatayang nasa 48 ang natiketan ng MMDA na mga naka-illegally park sa mga nasabing kalsada.
Tatlong motor ang kanilang tinow nang makitang walang driver at nasa 6 na tricycle din ang hinatak nila matapos mahuling nakadouble park sa kalsada.
Dagdag ni Gabriel Go, araw-araw rin ang pagsasagawa nila ng clearing operations sa mga mabuhay lanes.
Isasagawa ang MMFF Parade of Stars sa darating na Sabado.
Dadaan ang mga parade float sa Navotas Centennial Park, C4 road, Samson Road at McArthur highway papuntang Valenzuela People’s park.