Inamin ng aktres na si Heaven Peralejo na may check na sa kanyang mga pangarap ang pagiging isang ganap na calendar girl.
Si Heaven kasi ang napili bilang Ginebra San Miguel calendar girl for 2024 at mga seksing photos niya ng bibida sa mga kalendaryong ilalabas ng nasabing beverage company.
Tila hindi makapaniwala ang aktres na siya ang napili nang matanong siya tungkol dito during her Filipino festivals-themed launching event recently.
“Parang it’s a dream come true, you know. Grabe,” sabi ni Heaven.
Aminado rin siya na hindi siya nagdalawang-isip nang alukin siya para maging calendar girl dahil nakalinya din umano ang values ng kompanya sa bagay na pinahahalagahan niya which is malasakit.
“We have the same values and pinalaki ako ng mom ko to have the same values. I am so, so grateful to be the face of Ginebra San Miguel,” sabi ng dalaga.
Ayon pa sa kanya, mahalaga ang malasakit dahil nagiging driving force ito para mas ma-enjoy ang buhay.
“I think, ’yon ’yong nagpapatakbo ng buhay, e. Pag may malasakit ka, may purpose ka in life. It gives you purpose and it gives you love, so much love to the people around you, to your job, and to life,” sabi ni Heaven.