Limang Pilipinong mangingisda ang nasagip ng mga kawani ng Philippine Coast Guard matapos umanong banggain ng isang Chinese vessel ang kanilang bangka sa karagatan ng Paluan, Occidental Mindoro.
Tinukoy ang bangka bilang FBCA Ruel J habang ang Chinese vessel naman ay nakilalang MV TAI HANG 8 at ayon sa mga otoridad, nangyari ang umano’y pagbangga sa dagat Martes ng hapon.
Kinilala naman ang mga sakay ng bangka na sila Junrey Sardan, Ryan Jay Daus, Bryan Pangatungam, Cristian Arizala, at Joshua Barbas.
“Per accounts from the survivors, the boat was lying in Paluan waters attached to a ‘payao.’The ill-fated fishing banca Ruel J and its crew, alleged reportedly hit by MV TAI HANG 8, and was said to be left adrift as the foreign vessel continued its voyage unknowingly,” saad ng ahensya sa isang pahayag.
Dahil sa insidente, isinailalim ang mga bitkima sa safety check-up at sila ring nakatanggap ng first aid mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at kanilang lokal na pamahalaan.
Wala namang naiulat na nasaktan sa kanila at sinabing sila ay nasa mabuting kalagayan na habang siniguro naman ng PCG na kanilang iuulat ang insidente sa flag state ng naturang Chinse vessel.