Inihayag ng Malakanyang nitong Miyerkules na nasa maayos na kalagayan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos niyang magpositibo sa Covid-19 nitong nakaraan.
“He is doing well. He has a scheduled teleconference this afternoon,” saad ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil.
Dadalo umano dapat ang Pangulo sa National Jail Decongestion Summit at the Diamond Hotel in Manila nitong Miyerkules, subalit nirepresenta na lamang siya ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Noong Lunes, inanunsyo ng PCO na nagpositibo sa Covid-19 ang Pangulo at sasailalim sa isolation na tatagal ng limang araw pero giit nito, kaya pa ring gampanan ng Pangulo ang kanyang mga tungkulin at dadalo siya sa mga pagpupulong sa pamamagitan ng teleconference.
Kung matatandaan, unang tinamaan ng Covid-19 ang Pangulo noong kasagsagan nang pagkalat niyo noong March 2020 at nagpositibo siyang muli noong July 2022 ilang araw matapos ang kanyang inagurasyon.
“I was among the first to get COVID; it was not a walk in the park,” saad ng Pangulo sa isang naunang pahayag