Inamin ni Ivana Alawi na may nagpapasaya na sa kanyang puso.
Sa interview ng aktres kasama si Bea Alonzo sa kanyang latest vlog, ibinunyag ng aktres na kasalukuyang siyang nakikipag-date ngunit naging matipid sa pagbibigay ng detalye tungkal sa special person.
“Ako, alam na lahat ng tao. Ano ‘yung love life mo? Kumusta ang love life mo?” hirit ni Bea kay Ivana.
“I am seeing someone. So I am happy. My heart is happy,” sey naman ni Ivana.
Sinabi naman ni Bea na masaya rin ang kanyang puso kasama ang fiancé niyang si Dominic Roque na nakatakda niyang pakasalan sa sususnod na taon.
“Ako, obviously happy. Engaged. Next year na kami magpapakasal. Magpa-family na kami,” wika ni Bea.
Matatadaan noong 2021 nang ma-link ang aktres kay Kapamilya hunk Marco Gumabao matapos kumalat ang ilang litrato ng pagiging sweet ng dalawa sa isang videoke night.
Nilinaw naman ng 26 anyos na aktres na walang namagitan sa kanila ng aktor at hanggang magkaibigan lang sila.
Kasalukuyang bahagi si Alawi ng teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo kung saan gumaganap siya bilang Bubbles.