Inihayag ng Western Mindanao Command nitong Lunes na isang “massive manhunt” ang ikinasa na ngayon ng mga otoridad upang matukoy at mahanap kung sino ang mga salarin sa likod ng pagsabog sa Mindanao State University gym sa Marawi City nitong Linggo.
Ayon kay WesMinCom chief William Gonzales, tinitingnan nila ang anggulong may dalawang indibiduwal umano ang sangkot sa nangyaring pagsabog na inako naman ng Islamic State militants.
“As we speak, there’s an ongoing massive operation to hunt these terrorist groups or suspected perpetrators of the bombing,” saad ni Gonzales matapos ang security meeting sa Marawi City.
Base sa mga ulat, sumambulat umano ang bomba noong Linggo habang mayroong misa sa gym ng MSU sa Marawi City na hanggang ngayon ay under rehabilitation pa rin matapos itong salakayin ng Islamic State noong 2017.
“We have persons of interest, but the investigation is still ongoing. In order not to preempt the investigation, we will not divulge the names,” sabi naman ni regional police chief Allan Nobleza.
Kinondena na ng Estados Unidos ang “horrific terrorist attack” at dagdag nito, karamay sila ng mga Pilipino sa pag-reject sa karahasan. Kinondena na rin ang nangyaring pagsabog ng Japan, Australia, Britain, China at Canada.
“We mourn those killed in the attack, and our thoughts are with the injured,” saad ni State Department spokesperson Matthew Miller.
Inako ng mga militanteng Islamic State ang pananagutan sa pambobomba sa Mindanao State University, ilang sandali matapos sabihin ng Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos Jr na “mga dayuhang terorista” ang may pananagutan.
Ang Marawi ay nasa isang lugar na kilala bilang Bangsamoro, isang rehiyon ng Muslim sa karamihan ng mga Katolikong Pilipinas, na sa loob ng mga dekada ay nakipaglaban sa kawalan ng batas, separatist na karahasan at mga salungatan sa pamilya, na nag-udyok sa pag-aalala na maaari itong maging matabang lupa para sa ekstremismo.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines chief General Romeo Brawner, na dumalo sa isang security briefing kasama ang mga tropa at pulis sa Marawi, ang hinala niya ay ang pambobomba ay maaaring isang paghihiganting pag-atake para sa mga operasyon laban sa mga lokal na grupong ekstremista sa katimugang rehiyon ng Mindanao.
“That could be one of the strong possibilities why this occurred,” sabi ni Brawner “Your security forces are working doubly hard to make sure that the perpetrators of this terrorist attack will be brought to justice.”
Samantala, nagkaroon umano ng mga bomb threat messages isang gabi bago ang pagsabog sa MSU.
“Mayroon ding nagci-circulate na text messages noong gabi ng Sabado na may gagawing pagpapasabog pero hindi naka-specify kung saan iyon,” ayon kay Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao spokesperson Naguib Sinarimbo.
“Ito kailangan talagang tignan maigi para mas makita kung saan talaga iyong pinanggalingan ng pambobomba na ito,” dagdag niya.