LOS ANGELES (AFP) – Bumuslo si Paul George ng game-winning three-pointer nang ang National Basketball Association’s Los Angeles Clippers ay nag-rally mula sa 22-point third-quarter deficit upang gapiin ang Golden State Warriors, 113-112 noong Sabado.
Nagtapos si George na may game-high na 25 puntos. Labing-isa sa mga iyon ang dumating sa fourth quarter, nang sa wakas ay nailagay niya ang Clippers sa pangunguna, sa unang pagkakataon sa laro, may 9.9 segundo ang natitira, kumunekta mula sa kabila ng arko sa isang walang magawa na si Klay Thompson.
“It felt good as soon as I released it,” saad ni George. “I got a good look at the basket, thank God it went in.”
May huling pagkakataon ang Warriors, ngunit pinalampas ni Draymond Green ang three-point attempt sa buzzer.
Sinabi ni George na ang pagbabalik ay lalong makabuluhan laban sa potensyal na makapangyarihang opensa ng Warriors.
“They can put points up so quick,” sabi ni George. “The fact we were able to come back, it just shows a lot — this group is ready to fight and play all the way until the end.”
Nagdagdag si James Harden ng 21 puntos at si Kawhi Leonard ay umiskor ng 20 para sa Clippers, na nakatiis ng 17 three-pointers mula sa Warriors.
Umiskor si Stephen Curry ng 22 puntos at nagbigay ng 11 assists para sa Golden State.
Sa ibang lugar, ang unang triple-double ni Giannis Antetokounmpo sa season — 32 points, 11 rebounds at 10 assists — ang tumulong sa Milwaukee Bucks na hulihin ang Atlanta Hawks 132-121 sa isang laro na nagtampok ng 17 pagbabago sa lead.
Nagdagdag si Damian Lillard ng 25 puntos at siyam na assists para sa Bucks, na tumabla sa 114-114 wala pang anim na minuto ang nalalabi ngunit nalampasan ang Hawks 18-7 sa natitirang bahagi ng laro.
Sa Brooklyn, umiskor si Mikal Bridges ng 42 puntos para unahan ang Nets, na nagpatigil sa sunod-sunod na panalo ng Orlando Magic sa siyam na laro sa 129-101 panalo.
Mag-isang pinalampas ni Bridges ang Magic sa unang quarter, na nagbuhos ng 26 puntos habang umaalingawngaw ang Nets sa 43-22 abante na naglagay sa kanila sa daan patungo sa tagumpay.
Ang nagpabilib kay Nets coach Jacque Vaughn sa malaking first quarter ni Bridges ay ang “walang pinilit.”
“It was in the flow,” sabi ni Vaughn. “I thought his teammates around him got him into great position so he could score the basketball and he took advantage of the opportunities that presented themselves.”