Isang apat na taong gulang na batang lalaki ang iniulat na nakalunok ng P5 na bumara sa kanyang lalamunan.
Ayon sa ina ng bata na taga- Caubian Islands sa Lapu-Lapu City, Cebu, na humingi ng barya ang kaniyang anak at kinalaunan, nakita nila na bigla na lang nagsuka ang bata.
“Nagtaka ang aking partner kung bakit sumuka, ako nag-expect lang na nakakain siya sa paninda doon sa amin na parang jelly,” sabi ng ginang.
Binalewala ng ginang pagsusuka ng anak hanggang sa muling sumuka ang bata kaya dinala na nila sa isang community hospital sa kabilang isla.
Sinubukan doon na pakainin ang bata pero ininda nito ang pananakit ng lalamunan. Nang ipa-X-ray, nakita na ang nakabarang barya sa kaniyang lalamunan.
Dahil sa natuklasan, inilipat ang bata sa isang ospital sa Lapu-lapu City pero wala ring sapat na gamit para alisin ang barya sa lalamunan nito kaya naman pinayuhan ang ginang na dalhin ang anak sa Vicente Sotto Memorial Hospital sa Cebu City.