Tulad ng ugaling “never say die” sa paglalaro, hindi nagpatinag si LA Tenorio sa kanser sa colon at nagtagumpay naman siya sa kanyang laban sa nakamamatay na sakit. Kaya matapos ang siyam na buwan na pakikibaka sa Big C, balik-PBA at balik-Barangay Ginebra San Miguel ang guwardiya ng Never Say Die na koponan ng liga.
Sa unang araw ng pagbabalik ni Tenorio ngayong gabi ay haharapin nila ang Terrafirma sa ikalawang game ng PBA Commissioner’s Cup sa Philsports Arena sa Pasig City.
Mahabahaba ring panahon ang pagkawala ni Tenorio sa kanyang koponan at sa liga. Matapos magkaroon ng groin injury na nagpatigil sa 17-taon niyang walang patid na pagbabasketball, sinundan ito ng diagnosis na colon cancer.
Nagpagamot siya sa Singapore at nanatiling positibo ang kanyang pananaw sa buhay upang maging malakas ang kanyang pag-iisip.
Nakatulong rin ang mga tao sa paligid niya na gumaling, dagdag niya.
Inamin ng 39-taong-gulang na basketbolista na hindi pa tapos ang laban sa kanser dahil may regular checkup pa siya sa Singapore upang masigurong wala na ang kanser.
Umaasa siya na mananaig pa rin