Habang durog na durog ang mga puso, at may mga video iyakan sharing pa nga sa TikTok ang mga KathNiel fan, lalong tumitindi ang mga sumasambulat na kabanata na nagpapa-igting pa lalo sa wasak na relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Kung paniniwalaan natin ang isang Reddit post, may pasabog na pahayag tungkol sa pagiging babaing bubog ni Gillian Vicencio sa mainit-init pang hiwalayan,
I-type lang ang ngalan ng starlet na minsan ay naging babaing bubo rin sa relasyong XavMi, ang mga katauhan nina Tony Labrusca at JC Alcantara, si Xavier at Mico, sa pangatlong pinaka-importanteng Pinoy BL nung pandemya, ang “Hello, Stranger.”
Nasa Reddit post ang chika na mababasa na naka-fling nitong Vicencio si Padilla. Ang mas nakakabaliw sa reveal, ipinagkakalat ni Gillian na “dyuts” ang lalaking labing-isang taong minahal ni Bernardo. Naikwento daw ito sa isa pang starlet, Ang starlet na pinagkwentuhan, ipinasa ito sa isa pang starlet na malapit kay Kathryn.
Ayon pa sa pahayag, bago lumipad papuntang Korea ang aktres para tumanggap ng karangalan, nag-surprise visit ito kay Padilla. Nangyari daw duon na hihihingi ni Bernardo ang cellular phone ni Daniel. Tumanggi ang binata. Ang sabi pa daw ni Queen Kath, pagbilang niya ng lima at hindi inabot ni Deej ang phone niya, break na sila. Inabot naman raw ni Padilla ang phone at huli ka balbon ang palitan ng mga mensahe ni Daniel at ang babaing bubog.
Pumapalag ang mga KathNiel fan sa bagong paandar na ito. Para sa mayorya ng KathNiel, inililihis sa totoong salarin ang isyu at gumagamit ng “starlet” para pagtakpan ang katotohanan,
Gigil na gigil ang mga KathNiel at walang simpatiya para sa farewell post ni Padilla. Ang gusto nila, magpakalalaki ito, akuin ang sala at aminin sa lahat na si Andrea Brillantes nga ang babaing ahas.
At pinupuna rin nila ang pahayag ni Blythe dati na KathNiel fan ito, pero sa pangyayaring hiwalayan, nakakahibang ang katahimikan nito. Kung ang ibang mga artista nga eh apektado sa hiwalayan, lalo na ang batalyong KathNiel, bakit ang isang tulad niya nagpahayag na KathNiel fan eh wala mang lang kahit na anong isinisiwalat tungkol sa hiwalayan. Para sa mga nagmamarkulyong KathNiel, ang pananahimik ng fake KathNiel fan na si Blythe, ay patotoo na guilty ito!
Sa pangyayari sa KathNiel, iba talaga ang drama sa totoong buhay, hindi. Taob lahat ng mga serye na inilalako at itinatanghal ng ABSCBN bilang major content provider sa merkado, huh!
Ang tanong, magpapakawala kaya ng denial statement itong si Gillian Vicencio? Eh si Padilla na kontrabidang-bida sa mga oras na ito, haharapin na ba ang lahat ng mga akusasyon at bintang?
Kung sakaling magpakatotoo si Daniel, at ipinagsigawan ang tungkol sa pagiging malapit nila ni Andrea Brillantes at mahal na mahal niya ito, KathNiel fandoms, kakayanin niyo ba?
Naku, naku, naku mga KathNiel fan, be careful with what you wish for, baka hindi niyo kayang dalhin ang katotohanan at pawang katotohanan lamang.
Pagkatapos ni Kathryn, ang hinahamon na magpakatotoo na at tigilan na ang pagpapa-bebe ay si Kim Chiu.
“Do a Kathryn Bernardo, please!” and “Be brave, let the truth set you free” ang malakasang panawagan sa “What’s Wrong With Secretary Kim” lead star lalo na nga’t ang balana, dabarkads at madlang pipol ay siyento porsiyentong kumbinsindo na hiwalay na rin ang dekolor at puti nila ni Xian Lim.
Wag na dapat linlangin pa ni Kimberly Sue ang mga fan na talagang nagmamahal at sinusuportahan at malaking tinik sa kanyang dibdib nga naman talaga ang mabubunot kung susundan niya ang yapak ni Queen Kath.
Kaya Kim Chiu, game ka na bang ilahad ang bersyon mo tungkol sa totoong estado ng pagmamahalan niyo ni Xian Lim?