“Search and Rescue units are now being organized. Cauayan Airport and Tower extended operations yesterday until 6 p.m. and opened early at 6 a.m. to activate search and rescue operations,” sabi ng CAAP.
“The aircraft was supposed to arrive at Palanan Airport at around 10:23 a.m.,” saad ng CAAP. “On board were the pilot and lone passenger. The last communication of the aircraft with Cauayan Tower was around 9:50 a.m. Thursday morning.”
Sinasabing pagmamay-ari ng Fliteline Airways at pinatatakbo ng Cyclone Airways ang nawawalang eroplano.
Huli itong naobserbahan bandang 29.09 NM silangan ng Cauayan Airport bandang 10 a.m. sa pamamagitan ng flight Radar 24.
Dagdag pa ng CAAP, nagsimula na rin ang communication searches ng military at ng ilang civilian groups upang malaman kung mayroong nakakita sa nawawalang eroplano.
Base sa mga ulat, walang natanggap na Emergency Locator Transmitter distress alert ang Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center mula sa missing aircraft.
Gayunpaman, nakatanggap daw ng distress message (code word DETRESFA*) ang CAAP Operations Center mula sa Cauayan Tower bandang 11:08 a.m. kahapon.
Kasalukuyan naman na raw nagsasagawa ng imbestigasyon ang CAPP officials mula sa Aircrat Accident Inquirt Investigation Board at nasa Cauayan Airport na para magsiyasat.
Kung matatandaan, noong Enero ay nawala rin sa Isabela ang isang Cessna aircraft na lulan ng anim na pasahero. Ang pagkawasak ng eroplano ay natagpuan makalipas ang halos isang buwan sa Barangay Ditarum, Divilacan, na walang nakaligtas.
Isa pang Cessna plane ang naiulat ding nawawala noong Pebrero sa Bicol. Apat na tao ang lulan ng eroplano. Natagpuan ang mga labi pagkaraan ng ilang araw sa kanlurang bahagi ng slope ng Bulkang Mayon.
Nawala rin sa Cagayan noong Agosto ang isang Cessna plane na lulan ng dalawang pasahero. Wala ring nakaligtas.