Isang opisyal ng pangasiwaan ng agrikultura sa Paraguay ang tinanggal sa puwesto matapos siyang pumirma ng kasunduan sa umano’y opisyal ng bansang United States of Kailasa na wala naman sa mundo.
Inamin ni Arnaldo Chamorro ang kanyang pagkakasibak bilang chief of staff ng agriculture ministry nitong Huwebes dahil sa pagpirma ng nasabing dokumento.
Ayon kay Chamorro, binisita siya ng mga opisyal ng USK na umano’y isla sa Timog Amerika at nag-alok sila ng mga proyekto na makakatulong sa Paraguay.
Sa paghaharap nila ay nagpirmahan din sila ng kasunduan na nagtatatag sa relasyong diplomatiko ng Paraguay at USK.
May letterhead at selyo ng pamahalaang USK ang papel na kinasusulatan ng memorandum of agreement, at nakalagay ang pangalang Nithyananda Paramashivam na umano’y lider ng pekeng bansa.
Ayon naman sa media ng Paraguay, si Paramashivam ay Indianong pinaghahanap ng pulis sa Indiya dahil sa kasong criminal na kinasasangkutan niya.
Sinabi naman ng opisina ng agriculture ministry na nagkamali ito at ang memorandum ay hindi opiisyal at walang obligasyon ang estado ng Paraguay sa kathang-isip na bansa.