Madaling idinispatsa ng Quezon ang Davao Occidental, 90-68, at mapanatili ang malinis na kartada sa Pilipinas Super League President’s Cup nitong Miyerkules ng gabi sa Filoil EcoOil Centre in San Juan.
Pitong players ang tumipa ng double figures para sa Titans sa pangunguna ni Domark Matillano, na umiskor ng 13 points.
Nagambag naman si Robin Rono ng 12 puntos at nagdagdag naman si JK Casino ng 11 habang tumikada naman sina Rodel Gravera, Christopher Lagrama, Robert Minerva at Ximone Sandagon ng tig-10 puntos para sa Titans, na nagtala ng 44 puntos mula sa kanilang players na galing sa bangko.
May naitala lang na 11 ang Davao Occidental.
Dinomina rin ng Quezon ang Davao Occidental sa rebounding, 48-37.
Dinaig ng Novaliches ang JT Bulacan, 69-65, kung saan pumagitna si Deo Timajo.
Timajo ended up with 16 points while shooting 6-of-7 from the field.
Nagtipion naman ng pinagsamang 28 puntos sina Jason Strait at Jeff Comia para sa Warriors, na nagawang umiskor ng 34 puntos, mas marami ng 12 sa kanilang katungali.
Pinangunahan ni Itchie Altamirano ang Bulacan ng may 16 na puntos.