Ang tanong ngayon na ewan kung may sagot tayong makukuha, bayolente nga ba si Kyline Alcantara kay Maverick Legaspi?
The WHO si Kyline Alcantara? Yun na! Hahahahaha! At the WHO times two si Maverick Legaspi? Alam na this! Hahahaha.
Si Alcantara ang isa sa mga Sparkle Jewels na sabi nila ay may mga fan naman. May mga pinagbidahan na siyang teledramas at nagka-solo movie na sila-sila lang ang nakapanood at nakilala lang siya dahil nga, naging girlfriend ng tinuturing na showbiz royalty, si Maverick, only son nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, kambal ni Cassandra.
Sa social media site na Ekis, nagtatarang ang mga katkaterang totoo na diumano, “battered boyfriend” si young master Legaspi ni Alcantara at ang pisikalang pananakit ang dahilan kaya natuldukan at nagtapos ang kanilan Gen Z romansahan.
Sa kasulukuyan may cryptic posts si Kyline at ganun din si Mommy Carmina at ang mga daldakina, buo ang pananalig na patutsadahan ito ng dalawa.
Quiet si Maverick sa break-up at wala itong reaksyon sa palitan ng mga post ng ex at nanay niya.
Ang tanong ng mga ka-Tirada, dapat ba tayong mabahala sa hiwalayang ito? O mas mainam pa ang magluto ng guinataang bilo-hilo o maghalo ng halayang ube? Ang harsh ng mga tanong. Hahahaha!
Patuloy ang pavilion ng TimPotch, ang mga palayaw ng mga katauhan nina Zaijjan Jarnilla at Miggy Jimenez sa Gen Z teen drama na “Senior High.”
Mahal na ni Tim si Potch at not once, but twice na silang naghalikan. Palagian na silang may pqgpapakita at usapang palihim. At ito na nga, inaya na ni Pptch si Tim na magsama sila sa isang bahay para maging sanctuary at safe haven nila. Kaloka!
Ang mas kaloka, hindi pa alam ng katauhan ni Xyriel Manabat, si Roxie ang mga nangyayari at magmamarkulyong damdamin nina Tim at Potch. Ipagtatapat na nga ni Tim sa tatay niya ang kanyang nothing more but feelings para kay Potch. Ay! The BL story arc thickens di ba naman?
Kaya hook na hook at kilig na kilig ang lahat sa Tim-Potch ay dahil kay huhusay umarte ng mga young master Zaijan at Miggy. May look of love sa mga mata nila pag nagtitigan na sila lang. May tenderness at concern ka talagang mararamdaman na pangmalakasan.
Kung sakali mang mahuli ka balbon ni Roxie sina Tim at Potch na may moment of love na ganap, ay! Tunay ngang exciting part yun, hindi ba?
Kaabang-abang talaga ang nga kaganapan sa Senior High, huh!