Iniulat ng mga otoridad nitong Miyerkules na tatlong batang estudyante ang nasawi matapos na malunod sa ilog sa Mandug, Davao City at ang mga biktima ay naligo sa ilog kahit na oras ng kanilang klase.
Ang mga biktima ay pawang mga nasa edad 13 at 12 at ayon sa pulisya, may dalawang bata umanong humihingi ng tulong pero nang dumating na ang mga responders ay nawala na ang mga bata.
Makaraang ng ilang minuto, isa-isa nang naiahon ang mga bata mula sa ilog. Kaagad na binigyan ng first aid o cardiopulmonary resuscitation ang mga bata bago sila sugod sa ospital pero idineklara silang dead on arrival.
Sa imbestigasyon, sinabi ni Davao City Police Office Spokesperson Police Captain Hazel Tuazon na hindi sumipot sa kanilang klase ang mga biktima.
“Without permissions sa ilang teacher then ang ilang ginikanan wala pud nakabalo nga mangaligo sila anang sapa,” ayon kay Tuazon.