Nasa higit 17,000 na bata mula sa mga piling shelter at orphan care center sa buong bansa ang nakatanggap ng mga regalo mula sa Malacañang nitong Linggo bago ang Pasko.
Ang nationwide gift-giving event na tinawag na Balik Sigla, Bigay Saya ay pinangunahan ng Office of the President sa pamamagitan ng Social Secretary’s Office.
Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development kasama ang ilang private partners, ang sabay-sabay na gift-giving sa mahigit 250 areas sa buong bansa.
Kabilang sa pinakamalaking participating centers ang Cebu Technological University na may 449 na mga bata at ang Unibersidad ng Mindanao, Matina Campus sa Davao del Sur na may 600 mga bata. Sa National Capital Region naman, 1,120 na bata ang natukoy bilang recipient.
Ang gift-giving sa Malacañan Palace ay ginanap sa Kalayaan Grounds.