Nilinaw ng aktres na si Jane de Leon na hanggang ngayon ay mga lalaki pa rin ang nais niyang maging karelasyon at hindi siya lesbian, bagama’t benta ngayon sa mga netizens ang “tambalan” nila ni Janella Salvador na nagsimula sa Kapamilya action-fantasy series na “Darna“. Si Janella ang gumanap na Valentina sa latest version nito.
Sa presscon ng latest movie niyang “Shake, Rattle & Roll Extreme” napag-usapan ang tungkol sa kanila ni Janella at sa kanyang lovelife.
“As of now, happy naman ako. I am actually dating someone. Non-showbiz guy and let’s just leave it at that to protect his privacy. Basta my heart is happy. Nasa dating stage ako ngayon at hindi ko naman dini-deny ‘yun. And I think I want to keep it private lang so bahala na sila kung sino siya (dine-date). Ha-hahaha!” sabi ni Jane.
Ayon pa sa dalaga, payag na payag daw siya na gumawa sila ng BFF niyang si Janella ng isang lesbian movie o Girl’s Love series in the future kung mabibigyan ng pagkakataon.
“Kami naman ni Janella, pareho kaming natutuwa sa suportang ibinibigay ng mga tao sa friendship namin. We don’t mind kung sinasabing bagay kaming love team. We interact with the fans na natutuwa sa amin, kaya siguro minahal din nila ang friendship namin. Siguro, sa mga LGBT, they fantasize us and it’s okay lang. If maibibigay ba namin ang kaligayahan nila, why not?” sabi ni Jane.
“We’ve talked about and we’re open about the idea. Basta maganda ang story at maayos ang pagkakasulat ng script, sige, go. Trabaho pa rin naman ‘yun and people now are so open-minded about these things,” sabi pa ng dalaga.