Kinumpirma ng aktor na si Elijah Canlas na hiwalay na sila ng aktres na si Miles Ocampo at pag-amin nito, ilang buwan na umano silang hiwalay.
“We went through a rough patch recently mainly because we are going through our own stuff,” saad ng “Senior High” actor sa isang panayam nitong Huwebes at dagdag niya, maayos ang paghihiwalay nila at lagi niya aniyang susuportahan ang aktres.
“We are okay, we are not mad at each other,” paglilinaw ni Elijah. “I’m always gonna have love for her and support her with what she does but right now we are taking our time figuring things out.”
Kung matatandaan, Mayo ng nakaraang taon nang aminin ng aktor sa vlog ni Ogie Diaz na may relasyon sila ng Going Bulilit star.
Samantala, kasabay ng rebelasyon ay ilabas ng aktor ang kanyang debut single na ‘Kilala Kita’ nitong Huwebes.
Kasalukuyan namang nagsisilbing isa sa mga host ng E.A.T. sa TV5 si Miles.