Sampu sa 26 Pilipinong bihag ang nakatakdang tumawid sa border ng Egypt, ayon sa Department of Foreign Affairs nitong Biyernes.
“There are 26 left as per [Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos]…they are coordinating with us. And 10 are set to cross,” saad ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega sa isang pahayag.
Umaasa ang opisyal na makakaalis ang mga Pilipino sa Gaza, kasama ang kanilang mga asawang Palestinian, sa pamamagitan ng pagdaan sa Rafah Border Crossing.
Sa kasalukuyan, 111 Pinoy na ang napaulat na nakaalis sa Gaza. 108 sa kanila ay nakabalik na sa Pilipinas, samantalang tatlo naman ang nasa Cairo, Egypt habang 109 ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong ligtas na nakabalik sa bansa, kasama ang isang sanggol na isinalang sa Cairo 12 araw na ang nakalilipas.
Nito lamang Oktubre nang isailalim ng bansa ang Gaza sa Alert Level 4 dahil sa pag-atake ng Israel. Nangangahulugan ito na kailangan nang ilikas ng mga Pilipinong naroon.
Kaugnay nito, kasakuluyang nasa apat na araw na tigil-putukan ang Israel at terrorist group na Hamas kung saan ilang bihag pa ang inaasahang palalayain ng parehong kampo.