Pumalo na sa 113 ang bilang mga naitalang aftershocks sa Davao Occidental at mga karatig lalawigan nito matapos yanigin ng 6.8 magnitude na lindol ang malaking parte ng Mindanao noong nakaraang linggo, kung saan siyam na ang kumpirmadong nasawi.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, sa kabuuang bilang ay nasa 70 sa mga pagyanig na ito ay plotted o na-detect ng mahigit sa dalawang machine ng Phivolcs habang anim naman ang naramdaman ng mga residente.
Ang mga kasunod na lindol ay naglalaro sa pagitan ng 1.4 hanggang 4.9 magnitude.
Babala ng mga otoridad, posible pang masundan ang mga pagyanig na ito hanggang sa mga susunod na linggo.