Kinumpira ng Department of Foreign Affairs nitong Miyerkules na 17 Pilipino ang kabilang sa mga bihag ng rebeldeng grupong Houthi na silang nasa likod ng pag-atake sa isang cargo ship sa Red Sea.
“There were 17 Filipinos according to the manning agency along with other foreign nationals,” saad ni DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Eduardo de Vega sa isang panayam.
Ayon kay De Vega, hindi ito ang unang beses na mayroong Pilipinong nabihag ng mga rebelde at nakababahala na umano ang pangyayaring ito dahil sa kaugnayan nito sa kasulukuyang giyera na nagaganap sa pagitan ng Israel at Hamas, isang grupo ng mga terorista mula Palestine.
“They targeted this ship because they said it was owned by an Israel although it is owned by a Japanese company,” sabi ni De Vega.
Dagdag pa niya, ang DFA ang nagsasagawa ng diplomatic representation, at nakikipag-ugnayan sa Department of Migrant Workers.
“The DFA is working with DMW which has primary jurisdiction over assistance cases involving seafarers. But there is an all of government approach and various government agencies are meeting and working together on this,” saad niya.
Inatasan din umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DFA na gawin ang lahat para matiyak na ligtas ang mga bihag na Pinoy.
“Hindi namin pababayaan ang kanilang kapakanan. The safety of our kababayans abroad is a paramount policy and priority ng ating pamahalaan. Antabayanan ninyo at makakahanap tayo ng paraan na masagip sila,” sabi ni De Vega.
Ang mga rebeldeng Houthi ay kapwa Sunni Islamist gaya ng Hamas mula Iran.
Nito lamang Linggo nang puwersahang dinala sa Yemen ng militanteng grupo ang barkong pinatatakbo ng Japan habang binabaybay nito ang Red Sea papunta sa India.
Batay sa ulat, kinokondena ng Iran ang paghihiganti ng Israel sa Palestine, kung saan 13,000 sibilyan ang naapektuhan simula nang pag-atake ng Hamas sa nasabing bansa noong Oktubre 7.
Kaugny nito, nito lamang Miyerkules nang kumpirmahin ng Qatar na nagkasundo ang Israel at Hamas sa isang apat na araw na pansamantalang pagtigil sa giyera kapalit ng pagpapalaya ng 50 bihag sa Gaza.
Batay sa sa ulat ng Agence France-Presse, palalayain din ng Israel ang ilang bilanggong kababaihan at kabataan mula Palestine.
“The starting time of the pause will be announced within the next 24 hours and last for four days, subject to extension,” saad ng foreign ministry ng Qatar sa isang pahayag.
“The agreement includes the release of 50 civilian women and children hostages currently held in the Gaza Strip in exchange for the release of a number of Palestinian women and children detained in Israeli prisons, the number of those released will be increased in later stages of implementing the agreement,” dagdag nila.
Ayon sa ulat, ilang linggo nang inilalakad ng Qatar ang mga negosasyon sa dalawang bansa na naglalayong palayain ang ilan sa 240 bihag sa Gaza bilang kapalit ng pansamantalang tigil-putukan at para na rin magbigay-daan sa humanitarian aid.