Pinalagan ng aktres na si Rhian Ramos ang mga napanood niyang video kung saan magkasama ang BFF niyang si Michelle Dee at may-ari ng Miss Universe pageant na si Anne Jakrajutatip
Ni-repost ni Rhian ang isang “uncomfortable video” sa kanyang Instagram account kung saan mapapanood si Anne na nagsasalita tungkol sa pagkatalo ng bet ng Pilipinas sa naturang international pageant.
Matapang na ipinagsigawan ng Kapuso star na hindi niya nagustuhan ang naturang video dahil tila wala na sa lugar ang pinagsasabi ng Thai businesswoman.
“I don’t like how this looks. My stomach is turning. Buti marespeto ‘yung kaibigan ko, eh sila?” ang nakalagay sa text caption ng kanyang Instagram story. “Ewan. Kayo na lang humusga. Tap n’yo for the full, uncomfortable video.”
Sa video kasi, makikitang biglang hinila ni Anne si Michelle at inutusan umano ang dalaga na sabihin sa mga Thai pageant fans na mag-move on na sa pagkatalo ng kanilang kandidata. Thai language ang gamit ni Anne sa video.
Pero base sa mga comments ng netizen sa video hindi lang daw ang Thailand ang gustong sabihan ni Anne kundi pati na rin ang mga Pinoy. Kinunan daw ang video nang nag-guest ang Miss Universe candidates sa isang TV show sa Mexico noong November 20.