Aminado ang Vivamax bombshell na si Robb Guinto na talagang palaban siya sa pakikipaghalikan at paggawa ng mga sex scenes sa mga pinagbibidahan niyang pelikula pero giit niya, may limitasyon pa rin naman siya.
Sa bagong offering ng Vivamax na “Araro” kung saan kasama niya sina Micaela Raz, Vince Rillon, Matthew Francisco, Ronnie Lazaro at marami pang iba, parang supporting lang ang role ni Robb pero sabi niya, wala itong kaso sa kanya.
“Okay lang naman po sa akin to play both lead and supporting roles. Basta may trabaho, go, go, go ako, as I want to explore playing different kinds of characters. Pagkatapos naman nito, may bago uli akong movie, ang ‘Sugar Baby’ kasama si Jeffrey Hidalgo as my sugar daddy,” sabi ni Robb.
“I really want to act and I want to earn more for my family as I’m the breadwinner. Apat na kapatid ko ang sinusuportahan ko sa pag-aaral. They understand my work at supportive naman sila. They know I’m doing it to be able to help them,” dagdag ng dalaga.
Sa kuwento ng naturang Vivamax Original series, gaganap si Robb bilang si Erlinda, ang nakababatang kapatid ni Vince Rillon na mabibiktima ng panggagahasa.
“I was raped by Matthew Mendoza, the son of a rich land owner, si Don Luis, played by Ronnie Lazaro. Dahil doon, gaganti si Vince sa kapatid ni Matthew na si Micaela Raz at lahat ng babae sa farm nila. Kaya ‘Araro’ ang title ng series, kasi inararo niya lahat ng mga babae roon,” kuwento ni Robb.
Ito ang unang pagkakataong nakatrabaho niya si Direk Topel Lee at inamin niyang intake talaga siya ng matinding takot at nerbiyos.
“Kinakabahan ako nu’ng una kasi nga first time ko to be directed by him. But he helped to understand my role well, lalo na doon sa rape scene and sa dramatic scenes,” kuwento niya.
Sabi ni Robb, talagang pinag-usapan nila ni Matthew ang kanilang rape scene.
“Kasi may limitations po ako. Sa kissing scene, no tongue. At bawal to touch my boobs. Also, no frontal for me at naka-plaster ako all throughout. Okay naman siya. He didn’t take advantage,” sabi ng dalaga.