Inihayag ng Department of Migrant Workers na nais nitong idaan sa ahensya ang pagproseso sa mga seasonal worker sa South Korea makaraan na makatanggap sila ng mga reklamo.
Sinabi ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac na nakatanggap ang DMW ng nasa 40 reklamo patungkol sa hindi nababayarang sahod at kalagayan nila sa kanilang pinagtatrabahuhan.
“Ang napansin namin, it would really help kung na-document sila ng DMW kasi mas mamo-monitor natin, unang-una, ‘yung kanilang sitwasyon,” saad ni Cacdac.
“And just as important, mas matataguyod natin ‘yung kontrata nila if it will be processed by the DMW, certified, uh, verified by our post, ating labor attache on the post… mas pwedeng kausapin ‘yung local government counterpart in charge ng ating labor attache doon,” dagdag niya.
Sinabi pa ng opisyal na sa ngayon ay mga lokal na pamahalaan lang ang nagpoproseso sa mga seasonal worker.
“Ang nangyayari parang may LGU arrangement with another LGU in Korea and then may deployments under that arrangement,” sabi ni Cacdac.
“The bottom line here is gusto natin ‘yung seasonal workers in Korea na dumaan sa DMW. Of course, we’re not constraining the LGUs, the respective LGUs to talk to their counterparts in Korea. However, ang gusto sana natin ay ma-process sila sa DMW thereafter,” dagag niya.
Paglilinaw naman ni Cacdac, na legal ang pagtatrabaho ng mga seasonal worker sa Korea.