Apat na mangingisda na pumalaot sa Pangsainan na unang naiulat na nawawala ang na-rescue na ang Philippine Coast Guard at Philippine Air Force.
Ayon sa ulat, ang mga nawawalang mangingisda ay sakay ng motorbanca ‘Pepito 3’ na nangisda sa Barangay Cato, Infanta, Pangasinan.
Bandang 8:50 p.m. noong November 12 nakatanggap ang PCG nang ulat patungkol sa nawawalang motorbanca at agad namang nakipag-ugnayan ang nasabing armed service sa PAF para sa pagsasagawa ng SAR operations.
Samantala, sinabi n PCG na rumesponde rin ang kanilang grupo sa isang grounding incident na kinasasangkutan ng barge TML BLUE SKY JAY na siyang hinatak ng tugboat MTUG TML THE CEO sa Bais Sand Bar, Barangay Okiot, Bais City, Negros Oriental bandang 11:15 a.m. noong November 15.
Batay sa ulat, ang naturang vessel ay patungong Campuyo, Manjuyod, Negros Oriental, at nagmula sa Semirara, Antique nang maranasan nila ang hindi magandang kondison ng dagat.
May kargang 1600 MT ng industrial coal ang naturang barge nang mangyari ang insidente.
Nahirapan umano ang MTUG TML The CEO sa pag-tender ng towing line dahilan para mabuhol ang towing rope sa propeller.
Agad naman rumesponde ang PCG sa insidente.