Aminado ang aktres na si Ivana Alawi na talagang alagang-alaga siya ng kanyang leading man na si Coco Martin sa kanyang mga eksena sa “FPJ’s Batang Quiapo”.
Nitong nakaraan kasi ay naglabas ang ABS-CBN ng isang special trailer ng serye na nakakuha ng isang milyong views sa loob lamang ng 24 oras.
Ayon sa dalaga, talagang nagpapasalamat siya sa lahat ng itinuturo ni Coco sa kanya lalo na’t ito ang unang sabak niya sa isang action series.
“Kapag may mali ako, kunwari hindi ko siya nagagawa nang tama, sasabihan ako agad ni Coco,” sabi ni Ivana.
Nagbigay naman ng “sneak peek” si Coco sa set ng “Batang Quiapo” para ipakita kung paano niya kinunan ang mga maaaksyong eksenang ipinakita sa nasabing trailer.
Makikitang mabusisi niyang ginagabayan ang kanyang mga co-star at ang mga stunt at camera director, at ipinakita rin kung paano niya inaalalayan si Ivana sa kanilang matinding fight scenes.
“Hinahanap na ng katawan namin ‘yung big scenes. Feeling ko kapag normal lang ‘yung eksena, parang naliliitan ako masyado. Nasanay na kami sa maraming tao, maraming crowd, sa magulong environment. Gusto namin ipakita ‘yung totoo,” saad ni Coco.