Sobrang na-happy uli ang It’s Showtime staff nang magbigay ng malaking halaga ang mga hosts nitong sina Kim Chiu at Vice Ganda.
Sa isang Youtube video, kitang-kita ang happiness ng It’s Showtime staff matapos makitang may hawak na pera sina Vice Ganda at Kim habang tila nagsasayaw sa labas ng kanilang dressing room. Puro tig-isang libo ang hawak nila ng mga oras na iyon.
That was the time na katatapos lang ng Magpasikat segment kaya naman super happy ang atmosphere sa studio.
“Sharing the blessing, saka malaki rin tulong nila. kina Kimmy+ Vice. Congratulations it’s Showtime host& staff.”
“Wow mabait Ang mag Ina Kimmy and meme vice.”
“Kimmy and vice super generous talaga more blessings to come.”
Parang recently lang, nag-treat ng dinner sina Kim at Vice sa kanilang noontime family while they were in Hong Kong. Si Vice Ganda, nagbayad ng P63,000 sa kanilang dinner. Hindi naman nagpatalbog si Kim na nagbayad ng P105,000 sa isang dinner nila sa isang fine dining resto.
Samantala, puso at talento ang naging puhunan ng team nina Jhong Hilario, Kim Chiu, at Ion Perez sa kanilang tema na responsableng paggamit ng cellphone at social media kaya naman nakuha nila ang pinakamataas na combined score mula sa hurados at itinanghal bilang Magpasikat 2023 grand champion.
Noong Biyernes, ipinakita ng Team JKI ang masamang epekto ng paggamit ng social media sa mga manonood. Ipinabilib din nila ang madlang people sa kanilang parkour at acrobatic skills.
Nanalo nga sila ng P300,000 na ibibigay nila sa kanilang chosen charity.
Panalo naman sa second place ang team nina Anne Curtis, Ryan Bang, at Ogie Alcasid na naghatid ng madamdaming performance tungkol sa pagheal ng mundo at nakakuha sila ng P200,000.
Nasungkit ng team nina Vhong Navarro, Teddy Corpuz, at Jugs Jugueta ang ikatlong place at nag-uwi sila ng P100,000 para sa pagbibigay pugay nila sa mga komedyante ng Pilipinas.
Nakakuha naman ang parehas na team nina Vice Ganda, Jackie Gonzaga, at Cianne Dominguez at Karylle, Amy Perez, Lassy at MC ng tig-P50,000.
Nagsilbing naman bilang mga hurado na kumilatis sa performances ng “Magpasikat 2023” ang FDCP chairperson at aktor na si Tirso Cruz III, award-winning director na si Olivia Lamasan, rapper at singer na si Apl.De.Ap, Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, at frontman ng The Dawn na si Jett Pangan.
***
To set the record straight, napilitan si Janno Gibbs na sabihing prank lang ang ginawa niyang pagwo-walkout sa Men’s Room show nila ni Stanley Chi.
Ito ay matapos kumalat na nag-walkout siya dahil hindi niya nagustihan ang sinabi ng motivational speaker na si Rendon Labador patungkol sa mga celebrities na sinabihan niyang laos. In particular, naimbiyerna si Janno dahil ang isa sa sinabihan niyang laos ay si Michael V na best friend pa man din niya.
“Siguro nabasa nyo na sa mga balita. Sori,di ko napigilan. Ito po ang tunay na nangyari sa interview namin kay @rendonlabadorfitness sa ‘MensRoom’ w/ @stanleychi. Pls watch till End!!!”
‘Yan ang caption ni Janno sa kanyang IG video.
Ang daming nag-react sa post na iyon ni Janno. Marami ang imbiyerna dahil binigyan pa niya ng exposure si Rendon.
“Bakit nyo binibigyan ng platform sir?”
“Yabang eh wala pa namang napapatunayan. Masakit para sa kanya yung sinabi ni Kuya Bitoy dahil na obvious na walang utak ang Rendon na yan. Real talk lang din: Hindi siya kilala.”
“Kala ko totoo na medyo nag sisimula ng kumulo ang dugo ko sa Brendon na yan eh. buti nalang its a prank.”
“Mataas respeto ko sa idol kong si janno gibbs pero dyan sa guest nyo..prakahan di nyo dpat inientertain yang hambog na yan.”
“Kala ka dna sisikatan nga araw tong si rendon eh nice prank tol.”
“Respect to you po! Madalas nakakalimutan na ng mga tao ang respeto at pagmemenor sa social media, akala nila karapatan lagi nila to just speak their mind without even thinking kung makakasakit. It’s always in the manner of how things are said.”