Hindi bababa sa 40 manggagawang Indiyano ang natabunan ng gumuhong lagusan na kanilang tinatayo kahapon sa Uttarakhand.
Papaalis na ang mga manggagawa matapos ang kanilang shift nang gumuho ang 200 metrong haba ng lagusan, ayon kay Durgesh Rathodi, ang opisyal sa disaster response ng estado.
Tinatanggal na ang mga debris at naglagay na ng oxygen ang mga tagapagligtas upang mailabas ang mga biktima.
Ang haba ng lagusan ay 4.5 kilometro at magdurugtong sa Silkyara at Dandalgaon. Bahagi ito ng Char Dham Road Project ng pamahalaan na magdurugtong sa mga sikat na dambana.
Inaasahan ng kapulisan na maililigtas ang mga natabunang manggagawa ngunit hindi nila batid kung gaano katagal ito magagawa.