Mukhang talagang so in love ang beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista sa kanyang boyfriend na si Ricci Rivero at nakuha pa nitong biruin ang basketbolista on social media.
Ni-reshare kasi nito ang Instagram story ng kapatid na basketbolista na si Prince Rivero kung saan makikitang tila nagkukusot ang kanyang boyfriend ng imaginary damit.
Tila tinutukso ni Leren si Ricci dahil aware naman ang lahat na maraming netizens ang pumuntirya sa basketbolista matapos sabihin ng aktres na si Andrea Brillantes na bakit niya iiyakan ang kanyang ex-boyfriend gayong hindi ito nagpapa-laudry ng isang taon.
Bagamat walang sinabing pangalan ang aktres ay inisip ng netizens na ang recent ex-dyowa niya ang tinutukoy sa kanyang statement.
Samantala, makikitang super supportive naman si Leren sa kanyang boyfriend at present pa ito kasama ang pamilya ni Ricci sa recent basketball game nito laban sa NLEX Road Warriors kung saan nanalo sila.
May mga supporters rin si Ricci na lumuwas pa mula sa probinsys para mapanood ang kanyang unang sabak sa PBA.
Madalas nang makitang magkasama sina Leren at Ricci matapos nitong i-hard launch at ipakita sa publiko na in a relationship na silang dalawa.
At sa recent Instagram post nga ng dating beauty queen ay ipinahayag niya ang kanyang sweet message para sa minamahal.
“You deserve all the love in the world. I’m so thankful to see the real you — authentic, fun and loving. No more fantasies, just pure love,” saad ni Leren.